Thursday, May 21, 2009

Dr Hayden Kho dapat makulong - solons



Sa panayam ng media nitong Miyerkules, nanawagan sina Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro City) at Irwin Tieng (Party-list Buhay), sa mga kapwa mambabatas na apurahin ang pagpasa ng panukalang batas na magpapataw ng parusa sa mga gumagawa at nagpapakalat ng video sex scandal.

“Aside from revoking his license, he should go to jail," direktang pahayag ni Rodriguez sa mga mamamahayag.

Sinabi ni Rodriguez na mayroon siyang kababayan na nagsabing naging “biktima" rin siya ni Kho.

“I will take the cause of my constituent; I’m just trying to get the details," ayon sa kongresista.

“Since he’s (Kho) a doctor he should be the least person to do this wrong, immoral and illegal act. We have to make sure that the full force of the law is imposed on him," idinagdag niya.

Nangangamba naman si Tieng na makalusot sa pananagutan sa batas si Kho dahil walang batas sa kasalukuyan na direktang nagpaparusa sa mga nagkakasala tulad ng ginawa umano ni Kho na nag-video sa ginawa nitong pakikipagtalik.

Kabilang si Tieng sa mga mambabatas na naghain ng panukalang batas laban sa pagkuha ng larawan o video sa mga pribadong tagpo tulad ng pagtatalik at pagpapakalat nito sa Internet at iba pang paraan.

Ang mga lalabag sa panukala ni Tieng na “Anti Cyber-Boso bill," ay maaaring makulong ng hanggang anim na taon at multa na hanggang P500,000.

“We believe that if passed, the proposed law will not only serve as a strong deterrent, but remind one and all – specially the children – that the video-taking of their private acts is not only immoral but illegal," pahayag ng kongresista.

May hiwalay na panukala na inihain si Rodriguez na tinawag na “Anti-Voyeurism Act," na pirmado na umano ng iba pang mambabatas.

Bukod sa usaping legal, sinabi ni Zambales Rep. Ma. Milagros Magsaysay na ang pagkalat ng mga sex video scandal ay sumasalamin na rin sa moral values ng bagong henerasyon.

Ang nangyari umano kay Katrina ay dapat maging panggising sa mga magulang upang bantayan at gabayan ng mabuti ang kanilang mga anak.

Umapela naman sa publiko si Tieng na huwag ng ipakalat ang sex video bilang suporta kay Halili at nang hindi na mapanood ng mga minor de edad.

"People are falling over themselves talking, downloading, and watching the Halili-Kho video flicks. These talks - along with discussion in the media - is bound to arouse children's interest and curiosity on the matter," ayon sa kongresista.
Source

No comments:

Post a Comment